Friday, December 7, 2012

the irony of looooove


KASI NAMAN…

Bakit ba anlabo ng buhay?
Naghihintay nalang ng walang humpay
Pero sa totoo lang wala namang inaabangan
Ang labo 'no? Pero ang linaw

Bakit ba baliw na baliw sila dun?
Sa’n pa? E di sa pag-ibig na yun
Naha-high na, parang mga adik
Masarap siguro, pero masakit

May gusto ka, pero hindi ka nya gusto
Yung mahal mo may iba sa kanyang puso
Di ba pwedeng love ka rin ng love mo?
Masaya sana, kaya lang ang lungkot

Pinipilit nila na ibigin sila ng kanilang mahal
Asa ng asa, sa huli’y sawi naman
Simpleng bagay lang, ginagawang komplikado ang lahat
Napakadali, pero ang hirap

Ang pag-ibig talaga, hindi mo maintindihan
Bigla-biglang dumadating, e-epal nalang
Di mo malaman, ikaw na pala ang biktima
Nakakatawa noh? Nakakaiyak.


Ginawa/sinulat ko yan nung 3rd yr highschool ako. Pinagawa kasi kami ng Tagalog poem sa Journalism - lahat dapat ang title eh Kasi Naman. Pero sa poem ko wala dun yung title (hehe katuwa ^^). Lalang, na-inspire ng Ang Puno't Dulo ng Pag-Ibig (search nyo kung di nyo alam :D) - the paradox and irony of love xP. Di ko akalain after 6 years mai-aapply ko pa rin pala yan saken.

(...)


Eto yung last lines ng Ang Puno't Dulo ng Pag-Ibig:

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.

+++
Kinuha ko sa blog post ko (dated August 14, 2010) sa Multiply. . . Ayoon nga pala. Dito ko lahat inexport mga blogs and notes ko, yay! All is not lost after all ^_^

"Di ko akalain after 6 years mai-aapply ko pa rin pala yan saken." --Lol. Actually hindi yan yung kabuuan nun; it talked about my past love interest (wow, protagonist lang? Ambisyosa, haha). Well hanggang dun lang naman yun. The feeling eventually died. And realizing it now, I'm glad it did :D

Nostalgia, nostalgia. I'm missing my old poems, about love and life. Di ko alam kung nasa'n na yung iba. Hindi ko mahanap yung pinakauna kong back-up DVD kung saan andun ang pinakauna ko ring files, circa 2005-2007. Andun kasi yung isa sa considered kong pinakamaganda kong nagawang tula, inspired by The Lord of the Rings. Wala na kong hard copy nun dahil inOndoy.

Nakakatuwa lang balik-balikan ang mga ganitong work of art (yehess), rhyming pa yan ah, hehe. Yung moment lang ng pagsusulat siguro. Pero parang akma na naman ngayon sa'ken yang sarili kong tula. Haha. T_T

No comments:

Post a Comment