Thursday, September 20, 2012

The Social Issue

Time check-- it's 3:46 am.. Whoa, eto na naman ang aking pagpupuyat. Pangalawang araw ko na'ng ginagawa ang aming 2nd-to-the-last 3d model, pero hindi pa rin ako tapos. Komplikado kasi eh. Ambisyosa din ako. Gusto ko kasing gawin yung nakita kong sea sponge/coral pero hindi pala sya ganun kadali gawin. Pero tinatry ko pa rin naman...

Madaling araw na ko gumagawa ng model dahil (1) wala na'ng masyadong ginagawa (read: house chores); (2) mas mabilis ang Internet; (3) tahimik. Hehe.

How can I make you like this??? Tiwala lang...


Sa paggawa din iniiwas-iwasan ko na ang pagbubukas ng Facebook, sobrang distracted talaga ako dun. Pero madalas akong magbukas nun dahil andun ang mga kagrupo ko sa thesis; dun kami sa groups nag-uusap at nagbibigayan/palitan ng files and docs.

Habang pinapahinga ko 'tong kamay ko from mouse-clicking and pointing and rolling, nagpunta muna ako sa Google+. Alternative ko yun sa FB. Ayun, may nakita akong interesting post plus blog: Is Facebook dying? Andami kong nababasa sa G+ who 'despise' FB, kaya umalis sila dun at sa G+ nalang naglalagi. Sabi nila it's so much better daw dun.


Sa pagkakatanda ko nung 2008-2009 lang ata nag'boom' sa Pilipinas ang Facebook, pero yung iba hindi pa rin maiwanan ang Friendster, pero unti-unting nag-aadjust. Ako naman noon nasa Multiply. It's more on blogging, kaya ok din sa'ken. Pero nung sumige nang todo ang FB, napag-iwanan din ang Multiply (at ngayon nga eh magco-close na sila as a social network site~).

Sabi dun sa link,
According to Internet World Stats, Facebook has less than 200 million members in Asia, about 110 million in South America, and only 40 million in Africa.
which is true.
Contrast that to Facebook, which at the same time fed me a stream of people’s photos of their dogs, gardens, fashion shows, and the like, sprinkled in with occasional political polemics.... In other words, on Twitter I can find the stuff I’m interested in. On Facebook I can only see the stuff other people are interested in. 
Balak ko na rin sana magTwitter dati, kaso andami kong napapanood sa TV na mga issues (lalo na showbiz) na nagsisimula sa mga tweets. Eh ayokong makaalam ng mga tsismis kaya I refrained from doing so.

In some parts I also share the sentiments of that writer. Inaamin kong madalas nauubos oras ko sa pag-iiscroll sa news feed, nagchecheck ng mga kung anu-ano. Well, mainam din naman magkaron ng FB para sa'ken, lalo na sa updates sa mga kamag-anak kong nasa malayo, and close friends. Pero minsan nahahaluan na ng wala lang na mga bagay.

So katulad nung writer, anong problema ko? Dahil may Tumblr, Twitter, Google+, at blogs katulad nito, dapat hindi rin na-cocontain sa iisang web place ang isang tao. Wala lang kasi masyadong nag-o-open sa G+ na mga kilala ko kaya sa FB ko pa rin sila talaga makikita. But I think there is life outside Facebook. :D

try ko rin 'to maybe in the near future~

So... saan kayo mas social?

No comments:

Post a Comment