Monday, September 17, 2012

Blog Reborn!


Keeping up with Midori-chan
Nagulat ako na buhay pa pala tong Blogger site ko. Nung 2010 ko pa 'to ginawa eh, dahil requirement sa isang subject nung 3rd year ako. Balak ko na nun magblog talaga kaso hindi ko pa matutukan dati kaya waley. Pero ngayon pwede na, hehe. Sa Wordpress nga lang ako nagstart. Pero try ko rin dito, baka magclick din ;)

What's wrong with business plans? Hehehe.

Hindi ko na matandaan kung bakit 'Rendering Me' ang blog name ko. Siguro aliw na aliw ako noon sa word na render, wahaha.


Ngayon naiisip ko na parang sa Photoshop lang yung blogname ko. Lalo na pag gumagawa ako ng design in tarp sizes, nakoo.. Halos sigawan ko na ang laptop ko dahil sa bagal nyang magrender (not enough RAM daw :-/ ). Pati rin pala sa 3D modelling (well at least doon medyo mabilis pa ang rendering).

Parallel to those eh yung fact na I'm still in the process of completion, of being mature, especially in my spiritual growth and character.

So all of us who have had that veil removed can see and reflect the glory of the Lord. And the Lord—who is the Spirit—makes us more and more like him as we are changed into his glorious image. (2 Corinthians 3:18, NLT)

And through this eh makakapagminister din ako sa ibang mga tao, in the World Wide Web. Na-realize ko rin na habang nag-eencourage ako ng ibang tao eh na-e-edify din ang sarili ko, and that's still one of the ways para sa aking growth :)


Ang Drama Sa Likod ng Username
Siguro nagtataka kayo bakit ang hilig kong gamitin iyang Midori na yan, or kung saan ko ba yan nakuha... Nung high school kasi ako, uso ang codenames. Kapag may crush kami, binibigyan namin ng codenames para hindi halata. Kapag nagpapasa kami ng mga tula sa school paper namin, codenames ang gamit namin (hahaha). Nakakakuha kami ng codenames from anything and anywhere, especially sa anime. My first one (I think) was rei (Ayanami Rei of Neon Genesis Evangelion -- one of my favorite shows; atsaka kasi ka-rhyme ng name ko ^_^), which means 'spirit.' After high school, may napanood akong anime na Midori no Hibi, or Midori Days. Midori = green, my favorite color. Kaya ayun, pinagsama ko ang dalawa and voila! Midori Rei. Hehehee. Yung -chan naman eh a Japanese honorific... Nung nagkaroon ulit dati ng KKB Forum, iyan ang gamit kong username (yes, ako po yun, kung meron mang dito na nakakakilala sa'ken :D)... So much for the history...

Kaya ba hindi ako masyado makatulog??? Ang ingay ko pa rin kasi..


The Other Area
Dati gusto ko magka-blog para mai-input ko doon ang mga lessons learned ko, para makapagshare at makapagminister sa iba. Ang serious nga lang ng ambiance ng Wordpress ko, kaya parang nakakahiya pag may mga goofy posts ako don, haha. Atsaka nasimulan ko sya in English, I might as well retain it. Dito, seems like mas ayos ang mixed language/dialect, so gagawin ko nalang din itong parang virtual journal ko (well obviously; that's what blogs are for in the first place, right?). Naalala ko kasi sa Friendster ko kung anu-ano lang pinagkekwento ko doon, tapos nawala na sya as a social network; sa Multiply naman andami ko ring blogs dun, and habang binabasa ko yung previous posts and comments dun eh nakaka-miss lang. Unfortunately mawawala na din sila as a social network and will focus on being online marketplace. So sa tingin ko dito nalang ako magde-daily(?) rant, ahahaha.

This is the other area of my sanity outlet...

Welcome to me! :D

No comments:

Post a Comment