Showing posts with label social media. Show all posts
Showing posts with label social media. Show all posts

Friday, September 28, 2012

Tweet-tweet din!

So this is my first time having a Twitter account...and this is what mine looks like~


Nung una tadtad ng news tweets..0_o~~ Isa nalang ang tinira ko tutal updated naman ako sa TV at sa FB (kakahilo pala pag maraming balita). Panay tweets from news & current affairs ang karamihan sa ngayon kasi gusto kong ma-update sa mga baha at bagyo...And makikita nyo tumataginting na 1 follower lang ang nandyan, hahah! Hindi ko pa kasi binabalita sa buong madlang pipol. Siguro after next week, yun. May pinapalampas lang akong something harhar. But I kind of doubt kung madadagdagan nga rin yan after a week...

Hindi lang pala ako ang inosente pagdating sa Twitter-- pati rin pala yung ibang artista, haha. Na-realize ko kasi nakakasawa minsan magFacebook kaya triny ko na rin magTwitter (taliwas sa sinabi ko dati). Baka dumating ang panahon i-abandon ko ang FB at magTumblr nalang ako haha~

Pero kung gusto nyo kong i-follow, there it is... find me there nalang, wohoho! :D


Edit: Well, hindi ko na pinaabot ng one week.. eh puro news ang laman ng timeline ko..! ~

Thursday, September 20, 2012

The Social Issue

Time check-- it's 3:46 am.. Whoa, eto na naman ang aking pagpupuyat. Pangalawang araw ko na'ng ginagawa ang aming 2nd-to-the-last 3d model, pero hindi pa rin ako tapos. Komplikado kasi eh. Ambisyosa din ako. Gusto ko kasing gawin yung nakita kong sea sponge/coral pero hindi pala sya ganun kadali gawin. Pero tinatry ko pa rin naman...

Madaling araw na ko gumagawa ng model dahil (1) wala na'ng masyadong ginagawa (read: house chores); (2) mas mabilis ang Internet; (3) tahimik. Hehe.

How can I make you like this??? Tiwala lang...


Sa paggawa din iniiwas-iwasan ko na ang pagbubukas ng Facebook, sobrang distracted talaga ako dun. Pero madalas akong magbukas nun dahil andun ang mga kagrupo ko sa thesis; dun kami sa groups nag-uusap at nagbibigayan/palitan ng files and docs.

Habang pinapahinga ko 'tong kamay ko from mouse-clicking and pointing and rolling, nagpunta muna ako sa Google+. Alternative ko yun sa FB. Ayun, may nakita akong interesting post plus blog: Is Facebook dying? Andami kong nababasa sa G+ who 'despise' FB, kaya umalis sila dun at sa G+ nalang naglalagi. Sabi nila it's so much better daw dun.