Madaling araw na ko gumagawa ng model dahil (1) wala na'ng masyadong ginagawa (read: house chores); (2) mas mabilis ang Internet; (3) tahimik. Hehe.
![]() |
| How can I make you like this??? Tiwala lang... |
Sa paggawa din iniiwas-iwasan ko na ang pagbubukas ng Facebook, sobrang distracted talaga ako dun. Pero madalas akong magbukas nun dahil andun ang mga kagrupo ko sa thesis; dun kami sa groups nag-uusap at nagbibigayan/palitan ng files and docs.
Habang pinapahinga ko 'tong kamay ko from mouse-clicking and pointing and rolling, nagpunta muna ako sa Google+. Alternative ko yun sa FB. Ayun, may nakita akong interesting post plus blog: Is Facebook dying? Andami kong nababasa sa G+ who 'despise' FB, kaya umalis sila dun at sa G+ nalang naglalagi. Sabi nila it's so much better daw dun.
