Bakit pag LOVE ang
pinag-uusapan, lagi
nilang sinasabi. . .
"Dapat handa kang
masaktan!"
Bakit? Ano ba ang
LOVE?
SUNTUKAN??
Pambaliw lang na text message galing sa kaibigan ko.. Haha, pero yung totoo, bakit nga ba?
In perpendicular, este parallel to that, bakit kailangan mapagod sa love? or habang nagmamahal? Nakakapagod ba talaga?
Sumagi yan sa'ken habang pinapanood ko ang isang short film starring Yeng Constantino and Sam Milby. Sabi ni Yeng dun, "Pagod na ko..."
Kailan at bakit nga ba napapagod ang isang tao habang nasa isang relasyon?
Oy ah, napaka-inosente ng tanong ko na yan. Parang yung sa old commercial ng isang anti-dandruff shampoo: "I really don't know."
...Kaya nga ba minsan ayokong napapadaan sa Youtube, kung anu-ano mga nakikita kong interesting. Haha! :D
- love this movie.. so not the cliche-type :)
No comments:
Post a Comment