Nung nakaraang linggo, may napanood akong dokyu sa TV, about sa nangyaring Martial Law dito sa Pilipinas noon. Nung nakaraan din napanood ko sa news ang mga ininterview na mga bata, siguro mga elementary/highschool students yun, and tinatanong sila kung anong alam nila tungkol sa martial law. Marami sa kanila eh hindi alam kung ano at kailan nangyari yun... (40th anniversary ng Martial Law nung Sept. 21)
HALA?! Eh nung elementary ako alam ko na ang tungkol dyan. Napag-aralan namin yan sa Hekasi subject, kahit na pahapyaw lang. Anong meron ang mga libro ng mga bata ngayon??
Medyo mas naintindihan ko ang tungkol sa martial law nung nahiram ko ang librong "Dekada '70" mula sa
kaibigan ko na kapitbahay ko na kaeskwela ko (hehehe). Alam nyo naman nung panahon ko-- hindi pa masyadong afford ang computer noon, wala kaming PlayStation, wala kaming Game Boy o kung anu-ano pang gadgets. Nung panahon ko, magbasa ng mga libro ang aking leisure time :D Ultimo nga yung makapal naming Webster's Dictionary eh binabasa ko.

Nabasa ko na rin ang isa nyang nobela na 'Gapo. Tungkol naman ito sa mga namuhay sa Olongapo noong ginawa itong base-militar ng mga Amerikano. It's rated-PG (or SPG~); daming foul/explicit words. Napaka-tragic ng mga karakter do'n. Parang open-ended ang katapusan.
Hindi ko na binasa yung isa pa nyang libro na "Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?" kasi napanood ko na yun eh...
So ayan. Yan ang mga binabasa ko nung elementary palang ako. Alam kong merong mas nakakaalam ng tungkol sa Martial Law kaysa sa akin, kasi syempre hindi naman ako namuhay noong panahong yun, pero sa simpleng pagbabasa lang ng mga nobelang katulad ng Dekada '70, nagkaroon din ako ng understanding sa mga nangyari sa most suppressed decade ng Pilipinas.
Batang '90s ako eh, kaya alam ko pa ang mga 'old school.' Impluwensya din yan ng mga nakatatandang kapatid ko (katulad ng bakit alam ko ang Back To The Future Trilogy at Star Wars movies...). Ang mga bata ngayon, iba na ang alam-- Twilight Saga. Haha.
No comments:
Post a Comment